
The clock on the wall that I usually stare every afternoon. That's the only time I notice that time is passing by. Tsk... I'm getting old.

I just wasted 20 minutes looking at it hahahaha!
I saw these two guys checking a bead shop. Holding my cam by my waist, I fired away. Good thing, I made adjustments on my setting before I did that. Usually, I would forget that every time I change my location, I need to change my setting if the light source/s change. It looks like the skull wants to lick the devil :)
I'm a wannabe street photographer :)
Ang trabahong itinakdang gawin at tapusin sa loob ng 3-4 weeks ay hindi dapat ginagawa isang araw bago ang deadline :|
Hay, walang kadala-dala kaya heto ako ngayon; nagkukumahog sa pagta-type, para tuloy may 2 professional tap dancers sa ibabaw ng keyboard ko na nagtatago sa anyong mga kamay. Tak-tatak-tak-takatak! Maghapon mong maririnig ang tunog na ito sa bahay namin. Kung natambay ka sa amin, paglabas mo e meron ka ng LSS (last song syndrome). Hindi maiiwasan... MALI! Maiiwasan ko naman ito, kaso mas pinili kong maging tamad. Teka hindi ako naging tamad. Kinailangan ko lang asikasuhin ang mas mahahalagang bagay tulad ng paggawa ng evaluation... umm... movie marathon... photowalk... Nintendo DS... jogging, editing, uploading, self study, paghahanda sa klase at pag-iisip. Kaya hindi ako naging tamad, kinatamaran ko lang gawin 'yon ng mas maaga dahil sa ibang bagay... magka-iba yung dalawa.
Ooh... The pleasure and suffering of procrastination...
Hindi ba nakakatawa? Pilit kong dyina-justify sa sarili ko yung kabulastugang ginawa ko at nagpaliwanag pa XD