14.5.11

Manila Cathedral

Intramuros noong Biyernes Santo. Oo alam ko masyado nang late para i-post ang mga ito. Tinamad kasi ako... lagi naman.

Sa totoo balak ko nun mag Visita Iglesia, pitong simbahan mula Bulacan hanggang Manila, kahit na hindi ko alam kung paano. Ang akala ko e dadalaw ka lang sa mga simbahan. Napag-alaman ko mula sa isang mapagkakatiwalaang source (si Agent Google) na kelangan mo pa lang mag-station of the cross sa bawat simbahan at dapat sa Huwebes Santo. At dahil sa abnormal akong tao e Biyernes Santo ako umalis ng bahay. Palpak ako bilang isang Katoliko pero kahit na ganun ay umalis pa rin ako.

Isa pang dahilan kung bakit ko ako lumabas ng bahay e para i-try ang bago kong lens. Nag-angas akong kaya kong humawak ng prime lens (yung fixed lang yung layo ng kuha at hindi mo na maisu-zoom in o zoom out). Ayun... lahat ng kuha ko sa San Lorenzo Ruiz de Manila Church sa Bulacan hanggang St. Peter Church sa Commonwealth eh kung hindi malabo ay wala ka talaga maaaninag. Di na ako nakakuha sa Quiapo dahil natatakot akong mahablot yung kamera ko kahit na gustong gusto ko kunan yung mga nagpapanata habang naglalakad nang walang suot na sapatos o tsinelas man lang, sa isang malaking frying na pan na nagtatago sa anyong espalto.

Kaya heto, ang lahat ng kuha ko e sa Intramuros na lang. Ito ang Manila Cathedral. Pira-piraso ang kuha dahil nga sa hindi ako marunong gumamit ng prime lens.

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Ang kasama kong kailangang pigilan ang hininga kapag kinukunan para itago ang tyan. Para sa akin maganda naman sya, conscious nga lang masyado sa taba nya. Minsan pa nga syang napagkalamang turista habang naglalakad kami.

Photobucket

Hindi rin kami gaanong nakaikot sa Intramuros dahil sa sobrang init. Malas dahil natunaw yung dala naming payong. Hindi rin namin alam kung nakailang galon kaming tubig. Yung dala naming pera e naubos dahil sa kabibili ng mineral water. Ang akala ko nga e maglalakad kami pauwi... pambawi sa panata?

Yung babaeng nakahiga, porendyer yun.
Photobucket

Ang tindi ng dalawang 'to, nagawa nilang maglakad ng di nakapayong kahit na sobrang badtrip ng araw.
Photobucket

Hulaan mo kung ano 'to :)

Photobucket