Earth Hour March 26, 2011 8:30 pm
Yo guys! It's time again for Earth Hour. Sa mga hindi nakakaalam, ang Earth Hour eh isang malaking pagkilos laban sa climate change at pagkilos para sa kalikasan. Madali lang ang gagawin nyo para makasali... patayin lang ang ilaw nyo sa bahay sa loob ng isang oras kasabay ng bilyon-bilyong tao sa buong mundo. For more info check nyo 'to http://www.earthhour.org/About.aspx
I joined 2 years ago. Di lang pala ako, kasama ang tita ko (biruin mo yung tita ko hahaha), kasi aware din sya at may pakiaalam sa climate change at global warming; madalas nyang sabihin global "warning" at kahit anong pagtatama ang gawin ko na "warming" yun eh warning pa rin sya ng warning kasi raw sa mga dumaraming hindi magandang pangyayari na dulot ng pagkasira/pagdumi ng kalikasan; na parang nagbibigay ng "warning" na dapat meron na tayong gawin para pigilan o mabawasan ang mga ito. Ayokong magreport tungkol sa kondisyon ng environment natin o magsagawa ng seminar para rito dahil siguro naman eh aware kayo sa mga nangyayari sa kapaligiran natin dulot ng pagkasira ng kalikasan (maliban na lang sa mga call center agents ahehehe)
Noong una, para lang kaming tanga kasi kami lang yung nakapatay yung ilaw sa lugar namin at may kandila eh hindi naman brownout. Pero nakatutuwang marinig yung tita ko na matyagang nagpapaliwanag sa mga kapitbahay namin kung bakit kami nagpatay ng ilaw. Sumunod na taon, hindi na lang kami ang nagpatay ng ilaw kundi pati na rin ang ilang kapitbahay namin... hindi ko lang masigurado kung nakiki-join sila sa Earth Hour o naputulan lang talaga sila ng linya ng kuryente.
Kaya guys sana sumali kayo, para ito kay Inang Kalikasan. Isang oras lang naman na walang ilaw, idamay nyo na ang tv, computer at pridyeder. Ano ba naman ang mamuhay na parang isang taong gubat sa loob ng isang oras? O di kaya ay parang 100 years ago, noong hindi pa gaanong "in' ang kuryente sa atin at hindi pa tayo dependent sa mga gadgets; na imbes na tayo ang gumagamit sa kanila e sila ang gumagamit sa atin.
*pompoms* Go Mother Nature! Yebah!
No comments:
Post a Comment