13.2.11

Manya na :D

Ang trabahong itinakdang gawin at tapusin sa loob ng 3-4 weeks ay hindi dapat ginagawa isang araw bago ang deadline :|


Hay, walang kadala-dala kaya heto ako ngayon; nagkukumahog sa pagta-type, para tuloy may 2 professional tap dancers sa ibabaw ng keyboard ko na nagtatago sa anyong mga kamay. Tak-tatak-tak-takatak! Maghapon mong maririnig ang tunog na ito sa bahay namin. Kung natambay ka sa amin, paglabas mo e meron ka ng LSS (last song syndrome). Hindi maiiwasan... MALI! Maiiwasan ko naman ito, kaso mas pinili kong maging tamad. Teka hindi ako naging tamad. Kinailangan ko lang asikasuhin ang mas mahahalagang bagay tulad ng paggawa ng evaluation... umm... movie marathon... photowalk... Nintendo DS... jogging, editing, uploading, self study, paghahanda sa klase at pag-iisip. Kaya hindi ako naging tamad, kinatamaran ko lang gawin 'yon ng mas maaga dahil sa ibang bagay... magka-iba yung dalawa.


Ooh... The pleasure and suffering of procrastination...


Hindi ba nakakatawa? Pilit kong dyina-justify sa sarili ko yung kabulastugang ginawa ko at nagpaliwanag pa XD

2 comments:

Jill said...

hahhaha...puro encodings??

sabi sa book na mahaba ang title "We won't change when we always blame others."

sabi naman ng Psychology, BLAMING is a defense mechanism called psychological projection..you point fingers to others (things) so as to save yourself from blame.so don't worry defense mo lang yan against possible STRESS.

(ayun nagpaliwanag) ..goodluck!

stoic_khail said...

Mas malupit kesa sa encoding, translation, English to Filipino... isang buong libro >.<

Paano yan, ako may kasalanan, nagturo ako pero sarili ko ang tinuro kong may sala? Paano ko ngayon dedepensahan ang sarili ko sa STRESS? Hahaha Ang gulo XD