20.4.11

Respeto sir

Walang sinabi ang respetong nakuha dahil sa "posisyon" mo kung ikukumpara sa respetong nakamit dahil ibinigay ito nang kusa. Kung gusto mo talaga ng respeto, matuto kang ring rumespeto ng iba kahit na hindi pantay ang katayuan nyo sa kumpanya o sa buhay. Bobo mo sir, kabadtrip ka.

Naalala ko tuloy yung dati kong manager sa pinagtatrabahuhan ko. Di ko alam kung durugista sya o may sayad lang talaga sa utak dahil kahit kelan di ko naintindihan ang ugali nya: minsan lakas trip, madalas mangmata. Pero kahit kelan di ko kinagat yung dahilan nya minsan na moody lang daw sya talaga at prangka.

Hindi lang iisang beses nya ako/kami nasabihang "tanga at iba pa" dahil lamang sa mga munting pagkakamali o di kaya kasi hindi nasunod ang mumunting detalye sa mga gusto nyang ipagawa kahit naman walang problema sa naging resulta ng trabaho namin. Maangas din sya sa mga baguhan. Ang lakas magpasikat sa mas nakakataas na halos fairytale na ang labas pero sa amin naman ibabato ang trabaho ng mga ibinida nya. Hahahaysss talaga.

Wala naman sakin kahit na ipangpronta mo yung posisyon mo para lang sabihin sakin kung sino ka, magpabida ka sa boss, maging objective, maging mapuna sa mga pagkakamali at maghangad ng napakataas pero ang manggago e ibang istorya na.

Kaya yun, marami kaming sabay-sabay na umalis sa trabaho pero bago yun, ilan kaming badtrip talaga ang humaharap sa kanya at sinabi sa mukha nya ang pagkabadtrip namin sa kanya. Pagkatapos komprontasyon ay pinakyu ko sya pagtalikod nya ahahaha pandagdag lang at pampagaan ng loob.

3 comments:

DayRiza said...

that's life khail, we can never please everybody...kaya nga dapat pag ganyang tao hinahagis sa bangin!

Jill said...

reactions? hmm I just clicked all the possible ones.

stoic_khail said...

@Day - alam ko pero di mo talaga maiwasan minsan na mabadtrip.

@Jhilmun - ahahaha dagdag pa ng reaksyon :p